tagalog quotes



“Minsan di sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa kanya, kase bago ang lahat.. dapat alam mo ang pinagkaiba ng mahal sa mahalaga lang.“

“Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo“

“Di madaling maghintay, di rin madaling magmahal minsan kala mo siya na. Minsan kala mo ok na pero mamamalayan mo na lang dumaan lang pala siya sa buhay mo para saktan ka”

Sabi nila pag nagmahal ka sa una talagang napakasaya, tapos.. Masaya, tapos.. Medyo masaya, tapos masaya ng konti. 😐 hanggang sa dumating sa point na’Parang masaya ka nalang

Takot kang umamin kasi takot kang mabigo. Kaya sa takot mo na yan, hanggang ngayon kaibigan ka lang.

Huwag mong idepende ang sarili mo sa kahit na sino dahil kahit sarili mong anino, iiwan ka pag madilim na ang paligid mo.

Bilog ang mundo kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw mo at sa gusto.

Ang tunay na lalake. Hindi agad susuko sa isang relasyon.
Hahanap muna sya ng SOLUSYON.
Para maayos ulit ang sitwasyon.

“Hindi palaging panalo ang PAPEL sa BATO.
Kasi kahit gaano pa kalaki ang PAPEL mo sa buhay niya,
kung BATO naman siya, WALA TALAGANG PAG-ASA.

Alam mO ba kung anu ang kailangan mong ibigay sa isang tao para mapatunayan mong mahal mO siya? simple lng. “ORAS” -isang bagay na hindi maibabalik..

Kung sa tingin mo iniwan ka na ng buong mundo. Mali ka, nandito lang ako. Lihim na nag-aalaga at nagmamahal sayo.

ang relasyon parang kape yan, lumalamig pag napapabayaan.. parang halaman, nalalanta at namamatay pag di naaalagaan..

kahit gaano pa kasakit, mas makabubuting sabihin ang katotohanan kesa ilihim para lang di xa masaktan !lalabas din naman ang totoo kaya baket mo pa itatago

wag mong iisantabi o balewalain ang effort at panahong inilalaan ng taong ngmamahal sayo.. dahil baka dumating ang sandaling may ibang makaappreciate nito at huli na para makita mo ang mga bgay na meron ka na pinakawalan mo :))

hindi porket alam mo ang kanyang pangalan eh alam mo na ang kanyang pinagdaanan.

."Huwag mong gawing basehan ang itsura kapag pipili ka,
ibase mo sa nararamdaman mo dahil kahit kailan hindi marunong tumibok ang mukha."

“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo satabi mo…
ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa.”

“Ang pinaka mahirap na KARIBAL sa pag-ibig ay hindi yung mga malalanding nakapaligid sakanya. Kundi yung minahal niya ng sobra, bago ka.”

Hindi lahat ng sumusuko ay mahina at talunan. May mga bagay at tao lang talaga na dapat ng sukuan para hindi ka na masaktan.

Kadalasan nakakatakot magmahal kasi nakakatakot umasa. Pero hindi ba mas nakakatakot pag nalaman mo na wala kang pagasa sa taong mahal mo? Pero pinapakita niya sayong mahalaga ka!

sana ang love katulad ng sinasabi ng mga dentista. "sabihin mo lang kong masakit, lalagyan ko ng anesthesia".

“Kung mahal mo siya. Maging matapang ka para sabihin ito sa kanya.O kung hindi mo naman kaya,Maging matapang ka na lang na panuorin siyang nagmamahal at minamahal ng iba.”

hindi ko naman kailangan ng taong papasayahin ako ng sobra.Sapat na sakin yung hinding-hindi ako iiwan kahit nakaka-ubos na ko ng pasensya :">

"Ang sugat hindi ganun kabilis gumaling. Pero minsan makakatagpo ka ng mabisa at hiyang na gamot para dito.”

Hindi habang buhay kaya mong magpretend na hindi ka nasasaktan. Ano ka YAKULT? EVERYDAY OK?

kung bbgyan ako ng pagkakataong umpisahan ulit ang buhay ko.. ndi ko tatanggapin. Alam mo ba kung bakit ayaw ko? papano kung ndi na kita muling makita at makilala? balewala rin di ba?

Kung sakaling mag hahanap ka ng kapalit ko, sana mahanap mo yung magtuturo sau kung papaano maging makuntento sa isang taong mamahalin mo.

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

"Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan... kahit na mag-stop over ka pa."

masakit daw umibig palagi ka raw iiyak, palagi ka raw aasa at maghihintay sa wala sabi ko naman ganun lang yun talaga dahil kung di ka masasaktan, di mo malalamang nagmamahal ka na pala :DD

“Bigyan mo sya ng pagkakataon na makasama ka, malay mo ikaw lang ang iniintay niyang rason para tuluyan niyang baguhin ang sarili niya.”

Ang pagmamahal ay parang rosas, Sa pagtanggap mo sa bulaklak, tinatanggap mo rin ang mga tinik na kasama nito.

Bakit kadalasan alak ang sagot ng mga taong nasasaktan? Simple lang, dahil nasanay tayo na alcohol ang gamot kapag tayo ay nasusugatan...

Minsan mahirap sabihin ang tunay na nararamdaman. Mahirap ipikit ang mata kung may nais kang makita. Mahirap kalimutan ang mga bagay na ayaw mong kalimutan. Pero ang pinakamahirap na gawin ay ang palayain siya kahit na alam mong gusto mo siyang makasama.

masakit mawaLa sa'yo anq taonq mahaL mo mahirap pakawaLan anq naqmamay-ari nq iyonq puso... pero mas masakit kunq pipiLitin mo na manatiLi xa sa'yo kahit alam monq sa iba na tumitibok anq kanyanq puso :'(

sa isang Long Distance Relationship dapat bigyan ng pansin ang anumang di pagkakaunawaan. Dahil sa malayo sa isa't isa mas maraming oras tayong ginugugol para mag-isip at dahil dito may mga nabubuong mga bagay-bagay na nagpapagulo sa ating pag-iisip. Mas makabubuting pag-usapan ng maaga upang magkaintindihan at maisalba ang relasyong inyong iniingatan at pinahahalagahan.



Tandaan mo: kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman mo ngayon, magiging kwento na lang yan pagdating ng panahon...

Sana SINAING na lang ako... Para kapag iniwan mo ako, Lagot ka sa Nanay mo!

Huwag kang basta-basta magjajudge lalo na kung audience ka lang.. Tandaan mo 10% lang ang audience impact !

Ligawan mo ang babae dahil gusto mo xa at mahal mo xa. Hindi dahil alam mong gusto ka nya at kaya mo xang pasagutin ng "OO"!

Walang araw na malungkot.. Mas masaya ka lang kahapon kaya akala mo malungkot ka ngayon.

Mas mabuting hindi siya maging sayo sa panahong gusto mo, kesa maging iyo pero wala namang panahon sayo.

“Oo, nagseselos ako, kahit na sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako ang mahal mo. Natatakot ako na isang araw iwan mo ako, dahil noong una “magkaibigan” lang din naman tayo.

”Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.

Impotante pa ba ako sau? Kasi di ka na tulad ng dati.. yung sweet, thoughtful, at lagi akong naaalala.. teka.. ibahin ko na lang tanong ko.. MAHAL MO PA BA AKO?

Pagdating sa pag-ibig magkaiba ang ibig sabihin ng bobo at tanga. Ang bobo walang ginawa, ang tanga lahat na ginawa! Gets?

Kung nagawa mo ng HINDI tumawa sa mga jokes na tinawanan mo na dati, bakit hindi mo subukan WAG umiyak sa pangyayaring dati mo ng iniyakan?..

Hindi ko kailangan ng taong kayang ibigay sa akin ang lahat.Dahil ang kailangan ko ay yung taong kayang iparamdam sa akin na mas importante ako kaysa sa lahat.

Bago ka MAGDRAMA kung bakit hindi ka niya NAAALALA, isipin mo muna kung IMPORTANTE ka ba talaga sa kanya..

kapag gumawa ka ng isang desisyon, paano mo malalaman na nagkamali ka? simple lang.. kapag naramdaman mong hindi ka masaya.. :)

“Hindi mo na kailangang maghintay para maalala ka niya. Dahil kung talagang mahalaga ka, alam niya at hindi siya papayag na naghihintay ka.”

May nagtan0ng sakin : ” bakit hindi m0 na lang mahalin ang ta0ng my gusto sau ? ”Ang sagot ko :” kapag ba nauuhaw ka, iinumin mu ang dagat dahil tubig din ito ?

hindi porke mahal mo pa sya eh makikipagbalikan kana ..bakit? pag nahulog ba yung kinakain mo pupulutin mo pa rin kahit madumi na dahil lang sa nagugutom kapa?

“Kapag patuloy mong binabalewala ang isang tao, tinuturuan mo lang syang maging MASAYA ng HINDI KA KASAMA.”

“Huwag kang magalit sa taong kachat mo na tinulugan ka nang di nagpapaalam. Mas mabuti na yun na ikaw ang kachat niya nang nakatulog siya, kesa nag goodnight nga, matutulog na daw pero, MAY KACHAT PALANG IBA.” :(

Hindi masama ang magkamali dahil dun mo malalaman kung anong nawala sa’yo at anong dapat pinahalagahan mo. Pero s pggawa ng mali, doon mo din malalaman na HINDI LAHAT ng bagay ay may PANGALAWANG PAGKAKATAON.






Back to Top